Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Paraan kung paano
Host

I‑sync sa ibang website ang kalendaryo mo sa Airbnb

Kung nagho-host ka sa iba pang website, puwede mong i‑sync ang lahat ng kalendaryo mo sa pagho‑host para hindi ma‑book ng mga bisita ang mga petsang may reserbasyon na. Halimbawa, kung naka‑book ang isang gabi sa isang kalendaryo, awtomatiko itong maba‑block sa isa pa para mapanatiling maayos ang iskedyul mo at mapadali ang pagho‑host.

Ang proseso ng pag‑export ng kalendaryo mo sa Airbnb

Bibigyan ka namin ng URL na ipe‑paste mo sa kalendaryo ng ibang website. Ipapadala nito ang impormasyon ng kalendaryo mo sa Airbnb sa website na iyon (halimbawa, VRBO o Booking.com). Puwede ka ring mag‑export sa personal na kalendaryo (tulad ng Google o Apple).

Kapag nakapag‑export ka na, awtomatikong lalabas sa kalendaryo sa napili mong website ang mga pagbabago sa kalendaryo mo sa Airbnb depende sa mga setting ng website na iyon.

Para mag‑export ng kalendaryo: 

    Mag‑export ng kalendaryo sa desktop

    1. I‑click ang Kalendaryo at piliin ang kalendaryo ng listing na gusto mong baguhin
    2. I‑click ang Availability
    3. Sa Magkonekta ng mga Kalendaryo, i‑click ang Pag‑export ng Kalendaryo sa Airbnb
    4. Kopyahin ang link saka i‑paste iyon sa iba mo pang kalendaryong iCal

    Kailangan mo pa ba ng tulong? Nakadepende sa website kung saan ilalagay ang URL kaya posibleng kailanganin mong hanapin ang impormasyong iyon sa seksyon ng tulong ng website na iyon. Halimbawa, alamin kung paano i‑export sa Google at Apple ang kalendaryo mo sa Airbnb para ma‑access mo ang mga booking sa iyo sa personal mong kalendaryo.

    Ang proseso ng pag‑import ng kalendaryo mula sa ibang website

    Kailangan mong kumuha ng URL ng kalendaryo ng ibang website at ilagay iyon sa Airbnb. Sa karamihan ng mga website, mahahanap mo iyon sa seksyong nakalaan sa pag-i-import at pag-e-export ng kalendaryo. Tip: Siguraduhing nagtatapos ang URL sa .ics dahil hindi gagana ang iba pang URL. 

    Alamin kung paano mag‑import ng kalendaryo mula sa VRBO, Booking.com, at Tripadvisor.

    Para mag‑import ng kalendaryo:

    Mag‑import ng kalendaryo sa desktop

    1. I‑click ang Kalendaryo at piliin ang kalendaryo ng listing na gusto mong baguhin
    2. I‑click ang Availability
    3. Sa Magkonekta ng mga kalendaryo, i‑click ang Pag‑import ng kalendaryo
    4. I‑paste ang URL mula sa external na kalendaryo mo (hal., VRBO) at ilagay iyon sa patlang ng address ng kalendaryo
    5. Pangalanan ang kalendaryo at i‑click ang I‑save


    Ang hitsura ng mga naka‑block na gabi sa kalendaryo mo sa Airbnb at iba pang kalendaryo

    Maba‑block sa kalendaryo ng nakakonektang website ang mga gabing na‑block mo o naka‑book sa Airbnb. Nakasaad sa kalendaryo mo sa Airbnb ang mga gabing naka‑block dahil sa itinakda mong mga setting ng availability, tagal ng paghahanda, paunang abiso, at minimum na tagal ng pamamalagi.

    Awtomatikong maba‑block sa Airbnb ang mga gabing naka‑book sa kalendaryo ng ibang website kapag naikonekta mo na iyon sa kalendaryo mo sa Airbnb. Gayunpaman, hindi tiyak kung maba‑block sa Airbnb ang mga gabing iba‑block mo sa ibang kalendaryo.

    Kailangan mo pa ba ng tulong? Alamin sa iba pang help center kung paano mag‑block ng kalendaryong mula sa VRBO, Booking.com, at Tripadvisor.

    Pag‑refresh ng naka‑sync na kalendaryo

    Awtomatikong nag‑a‑update kada 2 oras at kumukuha ng impormasyon mula sa iba pang naikonekta mong kalendaryo ang kalendaryo mo sa Airbnb. Para alamin ang sunod na available mong gabi bago lumipas ang 2 oras, puwede mong puntahan ang naikonekta mong kalendaryo at pindutin ang I‑refresh.

    Kung marami kang naikonektang kalendaryo, posibleng awtomatikong mag‑update ang mga iyon sa iba‑ibang panahon. Ilalahad namin ang pinakahuling oras ng pag‑update sa bawat kalendaryo. Puwede mo ring mano‑manong i‑refresh ang mga iyon.

    Tandaang ilang beses lang kaming makakahiling ng update mula sa ibang website. Kakailanganin mong hintayin ang sunod na awtomatikong pag‑update kung lalampas ka sa pinapahintulutan nilang dalas.

    Para i‑refresh ang na‑import mong kalendaryo:

    Mag‑refresh ng kalendaryo sa desktop

    1. I‑click ang Kalendaryo at piliin ang kalendaryo ng listing na gusto mong baguhin
    2. I‑click ang Availability
    3. Sa Magkonekta ng mga Kalendaryo, i‑click ang Pag‑import ng Kalendaryo
    4. Piliin ang na‑import mong kalendaryo (hal.: VRBO) at i‑click ang I‑refresh ang Kalendaryo

    Nag‑i‑import kami ng datos na hanggang dalawang taon. Hindi mo puwedeng ihinto ang pag‑import ng kalendaryo. Kung gusto mong huminto, magsimula ulit at tanggalin ang kalendaryo. Para mag‑alis ng naka‑sync na kalendaryo, i‑click o i‑tap ang I‑edit at Idiskonekta ang Kalendaryo.

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    Mga kaugnay na artikulo

    Magpatulong hinggil sa iyong mga reserbasyon, account, at marami pang iba.
    Mag-log in o mag-sign up