Gustong gumawa ng mas malaking pagbabago? Makakatulong kami.

Matuto mula sa ilan sa pinakamagaling na storyteller sa YouTube gamit ang mga online na kursong nababagay sa mga innovator ng pagbabago sa lipunan, mula sa aming mga kaibigan sa YouTube Creators Academy.

5 pangunahing kaalaman sa paggawa ng social impact sa YouTube

Pagiging Naibabahagi

Tiyaking ibabahagi ng mga tao ang iyong mga video sa network ng mga tagasuporta. Tiyaking magkakaroon sila ng koneksyon sa iyo sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kwento mo sa paraang madaling i-access. Maging napapanahon sa pamamagitan ng pagsasama sa iyong kwento ng paksang kasalukuyang pinag-uusapan ng lahat. At makatulong sa pamamagitan ng pagiging praktikal sa iyong kwento.

Pagiging Nahahanap

Tiyaking mangunguna ang iyong video sa mga search result. Buuin ang iyong kwento sa paraang nagbabanggit ng mga trending na paksa at laging fresh na content gaya ng mga paano gawin ("how-to") at tutorial. Sa ganoong paraan, kapag tumaas ang trapiko sa site dahil sa mga sikat na paksa, makikita ang iyong video bilang “nauugnay na video.”

Pagiging Consistent

Ang madalas mong pag-post ng iyong mga video sa regular na iskedyul ay nakakatulong sa mga manonood na gusto ang content mo na patuloy na kumonekta sa iyong adhikain. Ang paggamit ng iisang format, paksa, at/o personalidad para sa iyong mga video ay nakakatulong ding makabuo ng tapat na subscriber base na bumabalik para maghanap pa ng paraan para suportahan ang misyon mo.

Komunidad

Magsimula ng talakayan sa isang komunidad ng mga manonood. Sa iyong mga video, direktang kausapin ang audience mo at hikayatin silang makibahagi sa pamamagitan ng mga tanong. Halimbawa, hilingin sa kanilang isaad ang kanilang mga ideya o karanasan sa seksyon ng mga komento, at gamitin ang mga tugon na iyon bilang mga elemento sa mga video sa hinaharap.

Pagiging Sustainable

Panatilihin ang atensyon ng iyong audience sa pamamagitan ng paggawa ng mga seryeng madaling ulitin. Ang mga sikat na video ay pwedeng magdala ng mataas na level ng trapiko sa iyong channel. Subalit, maganda pa rin kung susuportahan mo ang iyong mga sikat na proyekto ng iba pang video na mas madaling gawin para mapanatili ang atensyon ng audience mo habang gumagawa ka ng mas malalaking proyekto.

poster-most-shocking-second-a-day-video.jpg
poster-sochi-2014.jpg
poster-greenwash.jpg
poster-african-men.jpg
poster-leeza.jpg

Mga aralin sa epekto sa lipunan mula sa YouTube Creator Academy

Iba pang tool at resource

YouTube Giving

Gamit ang aming mga built-in na tool sa fundraising, puwedeng mag-donate ang iyong mga manonood sa organisasyon o adhikain mo mula mismo sa iyong video sa YouTube.

Mga interactive na video

Idirekta ang iyong mga manonood sa mga external na landing page ng campaign mo gamit ang mga espesyal na card na "I-link Kahit Saan" na nagbibigay-daan sa iyong mag-link sa anumang URL.

Access sa YouTube Spaces

Alamin kung paano kumonekta sa mga creator, gumawa ng mga hindi malilimutang karanasan, at sulitin ang aming mga tool at teknolohiya sa produksyon ng video sa alinman sa sampung YouTube creator studio sa buong mundo. May nalalapat na ilang limitasyon.

Mga tool ng Google for Nonprofits

Sulitin ang mahuhusay na tool gaya ng G Suite for Nonprofits, Google Ad Grants, at higit pa.

Para malaman kung paano ginagamit ng mga creator ng social impact ang YouTube, mag-subscribe sa aming channel.